The Marketers Group

Buhay namin 'to!!

Blog

Sabayang Pagbigkas-Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan ni Amado V. Hernandez

Posted by themarketer on October 7, 2008 at 5:13 PM

Sa simula ng aming practice, medyo nahirapan kami kasi majority ay first time nilang gawin ito. Iilan sa amin ang may idea about sabayang pagbigkas. Ni wala akong idea... so... nag research kami sa Internet about that. May nakita naman kami, as a matter of fact magaganda ang mga napanood ko. Naghanap din ako ng action ng aming tula para maging easy ang lahat. But unfortunately, wala kaming nakuha...... Well.... meron naman kahit papaano kaso yung video 12 sec. lang ... so badtrip talaga....

Still, may good fortune pa ring nangyari, we found this song;

 Lumuha Ka Aking Bayan by Inang Laya

 Lumuha Ka (Aking Bayan) - Inang Laya

 Ang lyrics ng kanta ay ang lyrics ng aming tula. Ang ganda nga e kaso di naman namin nagamit sa presentation namin kasi di ma download sa website. Nakakuha rin kami ng mp3 ng tula, di ko kilala ying lalaki na siyan tumula pero ang ganda ng pagtula niya, as in maganda.

 kung tuyo na ang luha mo aking bayan - amadohernandez

Pagdating ng practice, ANG HIRAP!!!!                                                              It doesn't flow ng maayos....iba iba kasi ugali ng mga classmates ko... may bungangera, may sosyal, at may alaskador  woooooo........ GRABE!! as in GRABEEEEEEE.....                                                                                                We have only 5 days to practice kaya halos naghahabol na kami. Within 5 days sana matatapos namin ang practice kung may active participation ang lahat kaso wala.... pag may practice kulang kami... nakumpleto lang nung i day before the program...    

Pagdating ng result............. dog.....dog............dog..................

TALO!!!!!!!!!!! ha ha ha pero na enjoy namin                

 

KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN 
                                 Amado V.  Hernandez
 

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha

Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:

Ang bandilang sagisag mo?y lukob ng dayong bandila,

Pati wikang minana mo?y busabos ng ibang wika,

Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,

Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

 

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,

Sa libingan ng maliit, ang malaki?y may libingan;

Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,

Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;

Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,

Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

 

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop

Na sa iyo?y pampahirap, sa banyaga?y pampalusog:

Ang lahat mong kayamana?y kamal-kamal na naubos,

Ang lahat mong kalayaa?y sabay-sabay na natapos;

Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo?y nakatanod,

Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

 

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,

Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,

Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,

Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,

Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,

Lumuha ka nang lumuha?t ang laya mo?y nakaburol.

 

May araw ding ang luha mo?y masasaid, matutuyo,

May araw ding di na luha sa mata mong namumugto

Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,

Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;

Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo

At ang lumang tanikala?y lalagutin mo ng punglo admeld_publisher = 9; admeld_site = 'freewebs'; admeld_size = '300x250'; admeld_placement = 'ros';

Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

5 Comments

Reply mark
7:04 AM on July 11, 2013 
gling tagus sa puso
Reply teresza rose
9:05 PM on July 21, 2013 
wow nice!!!!:P
Reply andrian
10:37 PM on July 30, 2013 
napakagandang basahin,pra tlaga sa mga pilipino,
Reply jarane
9:21 AM on August 2, 2013 
marami po kaming matutunan d2
Reply merlyn
8:18 AM on August 29, 2013 
eto mas kaya ko to ehhhhhhhhhhh