The Marketers Group

Buhay namin 'to!!

Blog

SALAMAT AMING GURO

Posted by themarketer on October 1, 2008 at 6:54 PM

      I

Sa isang butihing Guro,
            ang aming tula'y patungkol
Dahilo sa pasasalamat
            sa kanya'y aming iuukol
Bago namin simulan
            ang aming tulang alay
Inyo munang basahin
            at inyong pakinggan


      II

Sa iyo aming Guro,
            utang lahat ng dunong
Upang yaring kaisipa'y
            magdugtong-dugtong
Aming munting kaalamanan,
            iyong pinayayabong
Gabay sa aming pag-aaral
            nang lalong sumulong

      III

Katulad mo
            ay isang magbubukid
Binhi ng karunungan,
            sa ami'y inihasik
Dinidiligan mo't
            iyong inaalagaan
Nang aming maabot
            propesyong inaasam

      IV

Sa lusak ng kamangmangan,
            kami'y iyong hinango
Iyong nilinis
            marumi naming baro
At sa ami'y ibinigay
            mga ginintuang turo
Upang sa tanikalang bakal
            kami'y di maburo

      V

Iyong pagmasdan
            ang iyong inihasik
Mumunting dahon
            meron nang kumakapit
Di na magtatagal
            at yaong munting binhi
Isa nang punong matingkad
            na nagpupuyangi

        VI

O Mahal naming Guro
            kung iyong mamarapatin
Amin nang sisimulan
              ang bagong landasin
Sa panibagong paghihirap
            na aming susuungin
Sana'y nandiyan ka pa rin
            ang tangi naming hiling

        VII

Sa ami'y di lingid
            ang iyong paghihirap
Kahit matigas aming ulo'y
               kami'y iyong nililingap
Aming kaalaman
            patuloy mong pinagyayaman
Upang matuto ng husto
            Pinapagyabong mo pang lalo

        VIII
Sa pag-akyat namin sa entablado
            ngayung buwan ng oktubre
Sana ay nandun ka
            at aming katabi
Sa pagtanggap ng gintong papel
            ang aming pinaghirapan
Na aming handog

            sa butihing magulang

        IX

Amin nang wawakasan
              yaring kinathang tula
Na aming inaalay
            ng buong puso't diwa
Bilang pasasalamat
            sa aming gurong dakila
Na sa ami'y humubog
            at siyang lumikha


 

Categories: None

Post a Comment

Oops!

Oops, you forgot something.

Oops!

The words you entered did not match the given text. Please try again.

Already a member? Sign In

2 Comments

Reply secret???
6:39 AM on March 3, 2011 
tae moh taeh koh tae ng lhat edi pagkain
Reply coozyItattdam
2:13 PM on May 20, 2011 
mabuting simulan